Whooping cough cases spreading across Japan

Kinakaharap ngayon ng Japan ang lumalalang pagkalat ng pertussis o whooping cough, kung saan nalampasan na ng bilang ng mga kaso ngayong 2025 ang kabuuang tala para sa buong taong 2024. Mula Enero hanggang Marso 30 ng kasalukuyang taon, naitala ang 4,771 kaso ng sakit, kumpara sa 4,054 na kaso noong nakaraang taon, ayon sa datos mula sa mga institusyong medikal sa buong bansa.
Ang sakit, na dulot ng bacteriang Bordetella pertussis, ay pangunahing kumakalat sa mga batang nasa edad preschool, at mga estudyante sa elementarya at junior high school. Dahil dito, hinihikayat ng mga eksperto ang publiko na isaalang-alang ang pagpapabakuna bilang proteksyon.
Ang impeksyon ay naihahawa sa pamamagitan ng mga patak ng laway na lumalabas kapag umuubo o bumabahing ang isang taong may sakit. Nagsisimula ito sa mga sintomas na kahalintulad ng karaniwang sipon, ngunit kalaunan ay nauuwi sa malalang pag-ubo. Sa mga sanggol, maaaring magdulot ito ng seryosong komplikasyon at panganib sa buhay.
Source: Jiji
