Ang Japanese society ay higit na mkapangyarihan kung ang women empowerment ay pagtutuunan ng pansin sa isang makabagong cultural mainstream. Ayon sa isang talumpati na pinamagatang “What does it take to create where women shine? A Reflection from Japan,” ang mga babae ay may kakayahang gumawa ng mga makabuluhang pagbabago sa lahat ng aspeto ng kanilang lipunan. Para sa kanilang bansa, ang mga kababaihan ay nabibilang sa highest order of society. Higit sa lahat, sila rin ang isa sa pinakamahalagang sangkap ng economic growth mula noon hanggang ngayon.
Government
Sangkap din ng genuine women empowerment ang pagbabalangkas ng mga mahahalagang desisyon upang sila ay maging pinuno ng mga local communities sa kanilang nasasakupan. Sa bahagi naman ng central government, ang mga Eba ng Japan ay maaaring kabahagi sa pamamagitan ng pagiging mahalagang miyembro ng sektor na ito ng pambansang kaunlaran.
Economics
Sinasabing ang mga mayuyumi at magagandang dilag ay kasama sa tinatawag na “Abenomics” Ito ay ang modernong economic revival policy ng Japan. Ang womenomics strategy ang pinakasentro ng polisiyang ito.
Leadership Position
Ang pagsasakatuparan nito ay sisimulan sa pagtatalaga ng mga kababaihan sa mga posisyon sa gabinete lalo na sa mga tinatawag na national service positions. Mayrooon ring mga panukala na pagkalooban ang mga babae ng social and tax policies na patas at walang pinapanigan na sinuman.
Private Sector
Sa pribadong sektor naman, sila ay kinakailangang magkaroon ng shorter working hours sa pagsasabuhay ng prinsipyong what counts is productivity at hindi ang oras na inilalagi sa opisina. Ang batas na ito ay nagbibigay laya rin sa pagkakaroon ng working hours flexibility at ang remote type of work.
Tunay na ang women empowerment in Japan ay isang mabisang universal law upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataon upang maging maunlad gamit ang sariling kakayahan at pagpupunyagi sa kabila ng kasarian.
Image source: pri.org