Culture

World War 2 Japanese Soldiers and their Food

World War 2 Japanese Soldiers

Sa isang madilim na yugto ng ating kasaysayan, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sadyang mahirap mawaglit sa alaala bagamat ito ay lumipas na ng mahabang panahon. Maraming mga artikulo ang nagsasabi na ang lahat, pati na ang mga Japanese soldiers ay nabuhay sa araw-araw sa pamamagitan ng rasyon or food rationing methods. Ang ilan rin naman sa mga sundalong ito ay dumanas rin ng matinding tagutom. Mahalaga na ating malaman kung saang mga lugar kumain ang mga sundalong ito, habang ang milyun- milyong tao ay nagugutom at nagdarahop.

World War 2 Japanese Soldiers and their Food

Ayon sa mga natatanging pag-aaral, ang mga sundalong ito ay walang eksaktong lunan o lugar, subalit may isang nakaririmarim na ulat na dapat nating malaman at bigyang pansin.

Noong April 2, 1946,may isang mamamahayag ng Reuters na taga-Melbourne, Australia ang nagsaad na nailathala sa Times India ng ganito:

The Japanese Lieutenant Hisata Tomiyasu found guilty of the murder of 14 Indian soldiers and of cannibalism at Wewak (New Guinea) in 1944 has been sentenced to death by hanging, it is learned from Rabaul.

Mayroon ring mga ulat na ang mga sundalo ay uminom ng saline water upang mabuhay. Gayun din, sila’y kumain ng asin at tubig. Ito ay naganap sa loob ng sampung araw. May seaweed din na ginamit sa kanilang pagluluto. Ang  mga mapapait na katotohanang ito ay natagpuan sa mga proceedings of the Gozwa case na may numerong 235/813 of the Singapore war crimes investigation na isinaggawa  na British Government.

Ang ibang mga sundalong Hapon naman ay kumain ng mga patatas, kanin at tuyong isda. Ang cannibalism ay sinasabing tunay na naganap dahil sa kakulangan ng pagkain. Sa katunayan, may mga katawang natagpuang putol-putol dahil ito ay naging biktima ng karumaldumal  na krimen na ito.

To Top