General

YAMANASHI: Nag-donate ang mga mag-aaral ng 612 handmade masks

Ang 1st year student na chugakko, si Hime Takimoto, 13, ay gumawa ng 612 na hand-made mask upang ibigay bilang donasyon sa mga matatanda at bata sa Yamanashi.
Nakita ng mag-aaral mula sa lungsod ng Kofu (Yamanashi) na ang mga pintuan ng botika ay laging mahahaba ang pila at ang mga mask na ibinebenta sa hindi makatotohanan na mga presyo sa mga internet site ng auction. Napagtanto niya na ang mga mask ay hindi napupunta sa mga kamay ng mga tao na talagang nangangailangan kung kaya’t humiling sya sa kanyang ina na bumili ng mga materyales para sa paggawa ng mga mask gamit ang kanyang naipong pera.
Sa bansang Hapon, ito ay isang tradisyon na ipamahagi ang otoshidama sa mga bata sa Bagong Taon. Ito ay isang sobre na may pera, na maaaring maging isang simbolikong halaga, at ang ilang mga bata ay karaniwang nakakaipon dahil dito.
Ang bahagi ng perang naipon niya ay ginamit para sa pagbili ng tela, gasa, thread at elastic.
Ang mask ay maaaring labhan at gamitin muli, at isa-isa ay binabalot ng isang sulat.
Noong ika-17, ibinigay ng mag-aaral ang kahon ng 612 mask sa alkalde ng Kofu, Koutaro Nagasaki, na tuwang-tuwa at sinabi na ipamahagi niya ito sa mga institusyon para sa mga matatanda at bata
Sa tulong ng kanyang pamilya, target nilang makabuo ng 400 mask para sa mga matatanda at 212 para sa mga bata sa isang buwan.
Inaasahan ng Hime na ang mask ay magiging kapaki-pakinabang sa sinumang tatanggap nito at matutuwa dahil dito.
Source: NHK News

To Top