Yokohama:2 Pasahero ng Cruise Ship PATAY dahil sa Corona Virus
Kumpirmadong namatay ang 2 pasahero ng Cruise Ship sa Yokohama dahil sa NCOV, (corona virus). Habang patuloy na kumakalat ang virus, gaano nga ba kahalaga na ipagbigay alam sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito? Ito ngayon ang usap-usapan at pinagdedebatehan sa social media.
2 pasaherong Hapones isang lalaki at isang babae na nasa edad 80’s ang nakumpirmang nahawahan ng new coronavirus sa cruise ship na Diamond Princess noong umaga ng Feb. 20,2020. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabalitang may namatay sa mga pasaherong lulan ng nasabing cruise ship. Masama na diumano ang pakiramdam ng 2 bago pa sila mailipat at madala ng pagamutan, sa kasalukuyan umabot na sa mahigit 600 pasahero ang nahawahan ng virus sa mga cruise ship, 27 dito ang malubha kabilang na ang isa na may iba pang karamdaman. Sa Yokohama Port, ang mga pasaherong tested negative mula sa ikalawang araw ng kanilang pagdating ay pinayagan ng makalabas. 443 na pasahero ang inaasahang makakababa na ng mga nasabing cruise ship noong ika-19 ng buwang ito at 500 naman kahapon. Samantala, may balitang may bagong kaso ng coronavirus infection sa Hokkaido… Ang mga apektado ay nasa edad 40’s at wala diumanong history ng paglalakbay sa labas ng bansa, Ayon sa Sapporo city ang mga nahawahan ay syang naatasang mamahala sa Sapporo Snow Festival na ginanap noong ika-1 hanggang ika-12 ng Pebrero. Mula sa internet, ” hindi kaya ito ang unang kaso na may nahawahan sa isang event?” Dahil sa pangyayari nagkaroon ng emergency meeting conference para sa mga binabalak ganaping malakihang events at pagtitipon.
Mula sa Ministro ng Health, Labor and Welfare na si Mr. Kato: ” Pinapakiusapan namin ang mga event organizers na kung maari ay pagisipang mabuti ang pagdaraos ng mga event sa panahong ito dahil sa posibilidad na paglaganap at mas pagkalat ng infection dahil sa dagsa ng mga taong dadalo. Hanggang sa ngayon ay wala pang nirerekwest ang gobyerno na pagkontrol sa mga event na nais gawin.”
Sa kabilang banda, sa south isang 60-anyos na lalaki ang kumpirmadong nahawahan sa Fukuoka City.
Mayor Soichiro Takashima: ” ako ay kasalukuyang nasa hospital upang magpasuri dahil nakakaramdam din ako ng sintomas ng lagnat at pneumonia.”
Hindi naman raw naglakbay palabas ng bansa ang lalaki, maski sa china. Iniimbestigahan ngayon ng syudad ng Fukuoka ang mga nakaencounter ng mga pasyente upang malaman saan posibleng nahawa ang mga ito. Ibinigay naman ang “Protection privacy” at halos walang makuhang detalye mula sa pasyenteng nahawahan. Ngunit ito ay pinagtatalunan ng ilan dahil ayon sa kanila, ” hindi ninyo malalabanan o masusupil ang patuloy na pagkalat ng virus hanggat hindi ninyo isinasapubliko ang mga mahahalagang impormasyon”.
Sa China, na kung saan unang kumalat ang nasabing virus mayroon umanong pagkilos na kung saan ginagamit nila ang lahat ng data sa pamamagitan ng surveillance technology at mobile location information upang matukoy ang mga nahawahang indibidwal pati na rin ang mga nakahalubilo nila. Dagdag pa rito, nagbigay pa ng serbisyo ang Wuhan na kung saan ay pwedeng masearch ng mga users ang impormasyon sa mga nahawahang indibidwal. Kabilang rito ang detalye kung kelan, saan at anung mga lugar ang pinuntahan ng nahawahang indibidwal, pati na rin kung anu-ano ang mga ginamit na transportasyon nito. Samantala sa Hangzhou City, mayroon silang tinatawag na ” Health Barcode” na dinevelop ng Alibaba, isang major online retailer na color coded ng Green, Yellow at Red. Ang mga citizens ay may color coding mula sa mga close contacts at access sa publikong lugar.
Ayon sa The Wall Street Journal ng South Korea, nagpublish umano ang gobyerno ng mga detalye ng mga nahawahan sa website, kabilang na ang travel routes ng mga ito. Ibig lang sabihin nito ay makakabawas sa trauma at takot ng publiko sa posibilidad na makasagap ng virus dahil maiiwasan na nila ang mga ito sa pamamagitan ng impormasyong ito.
Patuloy pa ring kumakalat ang new coronavirus sa kasalukuyan. Alin nga ba ang prioridad sa panahong ito? Ang privacy o infection control. Ano sa palagay ninyo?
https://youtu.be/HUnjtR1CMPs
Source: ANN News