Yomiuriland water park kicks off summer season

Binuksan ng Yomiuriland amusement park, na matatagpuan sa pagitan ng mga lungsod ng Inagi (Tokyo) at Kawasaki, noong Hunyo 23 ang kanilang outdoor swimming pool area para sa summer season. Sa ilalim ng malinaw na bughaw na langit at matinding init, pumila ang mga bisita bago pa man magbukas ang mga gate ng pasilidad alas-9:30 ng umaga.
Ang aquatic attraction na tinatawag na WAI (Water Amusement Island) ay may limang uri ng mga swimming pool at walong klase ng water slide. Maraming tao ang nag-enjoy sa unang araw ng operasyon upang magpalamig.
Mananatiling bukas ang pasilidad hanggang Setyembre 15, at sa ilang araw ay magbubukas din ito sa gabi. Nagkakaiba-iba ang entrance fee depende sa araw, at maaaring tingnan ang opisyal na website ng parke para sa karagdagang impormasyon sa bayad, oras ng pagbubukas, at mga araw ng pagsasara.
Source / Larawan: Yomiuri Shimbun
