MANILA – Naitala sa Metro Manila ang zero-crime rate kanina habang ginaganap ang inagurasyon ni Presidente Duterte, ayon ito sa Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO).
Ayon sa balita ni Jun Veneracion sa “24 Oras”, naitala ang zero crime rate sa Metro Manila na kadalasa’y nangyayari tuwing laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao.
“I suppose it is unusual, una sa lahat bago pa man talaga manumpa ang ating presidente… Marami nang unusual na nangyayari sa law enforcement side,” ayon kay Chief Kimberly Molitas, tagapag-salita ng PNP-NCRPO.
Yung mga nangyari bago pa man manumpa si President Duterte ay kinokonsiderang kakaiba talaga, dagdag pa niya.
At least 352 na suspek na pushers at users ng droga ang sumuko sa Quezon City, ilang araw bago ang inagurasyon. May inaasahan pang susuko na 500 na pushers at users sa Pasay City ngayong Biyernes.
“Bibigyan muna natin sila ng pagkakataon na sumuko sa atin, after nito intensify na natin ang operasyon laban sa kanila,” aniya ni Pasay City Police Sr. Supt. Joel Dorie.
Sa ngayon, nagbibigay ang lokal na gobyerno ng Pasay ng limang araw para sa mga nasasangkot sa droga na sumuko ng boluntaryo upang sumailalim sa rehabilitasyon. Pagkatapos ng itinakdang araw, mas papa-igtingin pa nila ang kanilang operasyon kontra droga.
Sa tulong ng mga impormasyon na nakalap mula sa mga users at pushers na sumuko, naging positibo ang operasyon ng kapulisan kontra droga. Asahan ang mas agresibong kamapanya laban sa kriminalidad sa ilalim ng bagong administrasyong Duterte.
SOURCE: GMA NEWS ONLINE
#Japinoy #Japinonet