General

100 year old na Haponesang nagpositibo sa corona, gumaling at negatibo na

Siya ay si Ayako Ito edad 100 anyos at gumaling matapos magpositibo at mahawa ng corona virus. Isang ginang na ang paboritong past time ay ang maglaro ng mahjong at uminom ng draft beer. Sa edad na 100 taong gulang ay hindi raw siya umano ganun kadalas magkasakit. Nitong January ng taong ito, nagpositibo ang ginang sa covid dahil sa domestic infection. Sa mga panahon ng pananatili niya sa ospital ay nakaranas umano sya ng mas malalang kondisyon na kung saan kinakailangan nya ng oxygen support ngunit makalipas ang ilang linggo, buwan ng Pebrero ay nadischarge na rin at at nakauwi dahil sa masusing gamutan. Matapos ng pangyayari ay iniwasan umano ng ginang ang paglabas labas, ayon sa kanya, mas mainam ng maging maingat sa panahon ngayon. Hilig din ng ginang ang paglalakbay abroad at umaasa na sa lalong madaling panahon ay matapos na ang laban sa pandemya upang maipagpatuloy nya ang mga hilig lalo na sa pangingibang bansa.

Ayon kay Professor ken Hori ng Juntendo University Graduate School, isang eksperto sa infection control, kapag ikaw ay nahawahan  ang mga nakakarekober ay walang sapat na immunity kaya kinakailangan ang bakuna bilang karagdagang proteksyon laban sa bayrus.

Source: ANN NEWS

 

To Top