General

107 na kaso ng positibo kumpirmado sa Tokyo 7/2/2020

May naitalang 107 na kaso ng mga positibo ngayong araw sa Tokyo. Ito ang kauna-unahan sa loob ng 2 buwan na pumalo lagpas sa 100 kaso ang naitatala sa isang araw simula noong May 2, na siyang may pinakamataas na record sa bilang na 154. Simula sa katapusan ng nakaraang buwan lagpas na sa 50 kataong nagpopositibo ang naitatala sa araw-araw. Ang Tokyo Metropolitan Government Office ay nagsagawa  ng task force meeting, at emergency meeting naman sa gabi kasama si Governor Koike.

Source: ANN News

To Top