types of foreigner visa in japan
Immigration

3 Types of Foreigner Visa in Japan

Sa anumang bansa na iyong nais marating, ang VISA ay isa sa pinakamahalagang dokumento na dapat mong taglayin. Tulad sa Japan, kinakailangang makakuha ng papeles na sadyang angkop para sa mga bagay-bagay na nakatakda mong simulan  sa nasyong nabanggit.

Para sa kabatiran ng lahat, ang bansang ito ay mayroong 27 na uri ng visa. Ang mga ito rin ay may ibat-ibang requirements upang maisakatuparan ng isang manlalakbay o dayuhan na nais magtungo sa  Japan sa malapit na hinaharap.

 

3 Major Types of Foreigner Visa in Japan

May tatlong uri ng Foreigner Visa ang Japan. Ito ay ang Working Visa, Non-Working Visa at  ang panghuli ay ang Family Related Visa.

  1. Working Visa – Ang working visa ay ipinagkakaloob lamang sa mga aplikanteng may pinakamataas na level ng mga professional skills. Kung ang isang dayuhan sa Japan ay nais magkaroon nito, siya ay dapat di gumaganap ng anuman na may kaugnayan sa simple o foreign labor,  maliban na lamang kung ang isang tao ay pinagkalooban ng visa ayon sa family  status factors.

Sa  kabilang dako, di naman kailangan ito para sa mga  work visa for hair-dressing, massage, waiter/waitress, salesclerk, construction workers, etc.  Para sa mga inhinyero at iba pang professional careers, ang pangunahing requisite ay kailangang siyang may sampung taong karanasan bilang isang engineer.

  1. Non-working Visa – Sinuman ang may non-working visa, puwedeng siyang magtrabaho ngunit ang kanyang oras ay limitado lamang. Hindi naman kasama dito ang temporary visitor, isang trainee or temporary visa holders, na may pahintulot ng immigration office. Sakop din  ng non-working visa ng  Japan ang mga mag-aaral, trainee, people under the category of Technical Internship at tinatawag na dependents. Samantala, ang mga kaukulang dokumento nito ay may kaugnayan sa pangangailangan ng mga  industriya so as to make the necessary adjustments insofar as Japan’s quality of life at bilang ng mga entrants.
  1. Family Related Visa – Ang Family related visa ay walang kaukulang activity restrictions. Ang mga foreigners na mayroon nito ay maaaring makapagtrabaho sa alin mang uri ng mga industriya sa Japan. Malaya rin ang mga pinagkalooban nito na magpapalit-palit ng mga trabaho kung kanilang nanaisin. Sa pagkuha nito, kailangan ng Re-entry permit document. Ito ay renewable every five years, kung ikaw ay mananatili sa labas ng Japan sa loob ng mahigit sa isang taon.

Para sa mga karagdagang kaalaman, bumisita lamang sa website na ito http://www.juridique.jp/immigration.html

Related Post:

Types of Foreigner Visa Japan

Application Requirements: Re-Entry Visa in Japan from the Philippines

image credit: mroach/Flickr

3 Types of Foreigner Visa in Japan
To Top