Crime

34 anyos na lalaki, arestado dahil sa itinagong “mummified” na bangkay ng ina sa tahanan nito

Isang “mummified” na bangkay ang natagpuan sa isang tahanan sa Fukuoka City, inaresto ang 34 anyos na anak nitong lalaki kasama nitong naninirahan nang mga panahong iyon dahil sa sadyang pagtatago at pagpapabaya sa labi nito. Kinilala ang suspek na si Kentaro Ijuin, hinala ng mga awtoridad nasa taong 2017 pa ang bangkay base sa estado nito nang kanilang siyasatin. Noong ika-15 ng buwang ito, isang babae na nasa 70’s at naninirahan sa Fukuoka prefecture ang humingi ng tulong sa kapulisan dahil hindi nito umano makontak ang kapatid na biktima, nang bisitahin ng mga pulis ang tahanan ng suspek at biktima, tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima sa living room ng bahay sa unang palapag. Hindi na makilala pa ang bangkay dahil napupuno ito ng alikabok at dumi. Agad namang umamin ang suspek na ang bangkay ay ang kanyang ina. Iniimbestigahan pa hanggang sa ngayon ang tunay na pagkakakilanlan ng labi, at ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Source: ANN News

To Top