Business

4 days at 3 nights Ride all you can sa 50 modelo ng luxury LIBRE!

Habang patuloy sa pagkalat ang coronavirus sa buong bansa at iba’t ibang hakbang na ng pag-iingat sa pag-gamit ng public transportation ang isinasagawa, maski ang mga smartphone apps ay kanya-kanyang strategy upang mag-advertise ng mga serbisyong makagamit ng luxury car of your choice ng LIBRE! Sa underground parking lot sa sentro ng Tokyo, isang limited-time store kung saan ay pwede ninyong itest-drive all you can ang inyong paboritong modelo na pwedeng pagpilian sa 50 models  depende sa pangangailangan ng users. Libre mo itong magagamit ng hanggang 4 na araw at 3 gabi. Ito ay serbisyong hatid ng used car sales giant na “GULLIVER GROUP”. Sinasabing ang pinagmulan ng ideyang ito ay nang minsang ipahiram ng libre ang kanilang sasakyan sa medical personnel noong buwan ng Abril kung saan ay nagdeklara ng state of emergency ang lungsod. Maganda ang naging resulta ng ginawa nilang iyon. At dahil nagkaroon ng second wave sa pagkalat ng impeksyon sa lugar, muling binuksan ang serbisyong ito na nakatalaga na sa isang magandang lokasyong direkta ng konektado sa Tokyo Station upang matugunan ang mataas na demand sa mga sasakyan. Maari kang kumuha ng reservation dito gamit ang free call application na “LINE”, at sa store ng Gulliver mismo ay pwede ring ipagtanong ang iba pang detalye para dito.

Source: ANN News

To Top