Lifestyle

5 Small Business Ideas

Small Business Ideas

Sa panahon ngayon, mas mainam na ang may sariling business kaysa sa umasa lamang sa sweldo tuwing akinse at katapusan. Sa tuwing sasapit ang araw ng sweldo, madalas na napupunta na lamang sa mga bayarin at utang ang pera di ba? Kung kaya’t hindi masama na magkaroon ng alternative or supplemental source of income tulad ng side business kahit pa may trabaho ka. Gayun din ang mga simpleng maybahay na nais tumulong sa mga gastusin ng pamilya. Heto ang 5 small business ideas na maaari mong gawin kahit ikaw ay

  1. E-loading business – Sa Pilipinas, lahat tayo ay may cellphone at halos araw-araw ay kailangan natin ang load. Imbes na gamitin ang cellphone sa pakikipag text mate, gawin natin itong paraan upang kumita sa puhunan. Sa halagang 500 pesos, pwede kang mag-load sa inyong mga kabaranggay. Pumunta lang sa mga pinakamalapit na reloading center sa inyong barangay.
  1. Lutong Ulam – Karamihan sa atin ay abala sa mga trabaho at kung minsan ay hindi na tayo nakakapagluto. Sa harap ng ating bahay ay pwede tayong magluto ng ulam o di kaya’y bento boxes o maki at ibenta sa ating mga kapitbahay. Maaari mo ring ibenta ito online.
  1. Sari-Sari Store Business – Ito ay maganda din pagkuhanan ng income dahil karamihan sa atin ay nais magtinda. Kahit nasa bahay lang, ay may kita ka na. Ngunit dito ay kailangan ng mas malaking halaga lalo na sa pagbukas pa lamang ng iyong tindahan. Eventually, ay mababawi mo rin ang puhunan at maibabalik mo ito bilang pambili ng panibagong paninda.
  1. Internet Café – May ilang mga Internet Provider na papahiramin ka ng computer set upang makapag-simula ka ng Internet business tulad ng Piso Net. Sa halagang 6,000 per month ay pwede mo ng i-avail ang mga ito.
  1. Massage Service – Marami sa atin ay sadyang may angking talino sa pagmamasahe. Ang ilan ay ginagawa itong home service kung saan ay pupuntahan ka sa iyong bahay at dun ay seserbisyuhan ka ng kanilang nakaka-relax na masahe. Ang isang oras nito ay 200 or mas mababa pa.

Hindi lahat ng mga ito ay applicable sa Japan pero maaari mo ring ipagkatiwala sa isang kamag-anak sa Pilipinas ang puhunan upang kanilang simulan ang ganitong mga uri ng business upang makatulong sa kanila instead na laging magpadala ng pera.

image credit: Wikipedia

To Top