Crime

Nagoya: drug seizures reach record high

Tumriple ang dami ng iligal na droga na nakumpiska ng Customs ng Nagoya mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024. Bagaman bumaba ang bilang ng mga kaso mula 24 tungo sa 15, umabot naman sa humigit-kumulang 35 kilo ang kabuuang nakumpiska.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 80% ng kabuuan ay kokaina, na may 30 kilo na nakumpiska. Karamihan sa pagtaas ay nauugnay sa pagkakaaresto ng dalawang mamamayang Peruvian sa Chubu Centrair International Airport noong Abril, matapos silang akusahan ng pagtatangkang magpuslit ng 29 kilo ng droga na itinago bilang pagkain.

Kabilang din sa mga nakumpiskang substansya ang stimulants at marijuana. Binigyang-diin ng Customs ng Nagoya na lalong nagiging sopistikado ang mga paraan ng pagpupuslit at tiniyak ang kanilang pagtutok sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas sa mga daungan at paliparan ng rehiyon.

Source / Larawan: Nagoya TV

To Top