News

Japan intensifies deportation of foreign nationals

Doble ang bilang ng mga dayuhang ipina-deport sa Japan na may kasamang mga opisyal sa pagitan ng Hunyo at Agosto, na umabot sa 119 katao — kumpara sa 58 sa parehong panahon noong nakaraang taon — ayon sa datos mula sa Immigration Services Agency. Ang pagtaas ay kasunod ng pagpapatupad ng planong “Zero Irregulars” na inilunsad noong Mayo, na naglalayong bawasan ng kalahati, sa loob ng limang taon at kalahati, ang humigit-kumulang 3,000 dayuhang tumatangging umalis ng bansa kahit may utos na silang deportasyon.

Kabilang sa mga ipina-deport, 36 katao ang tatlong beses o higit pang nagsumite ng aplikasyon bilang refugee o nasangkot sa mabibigat na krimen. Pinakamarami sa kanila ay mula sa Turkey (34), sinundan ng Sri Lanka (17), Pilipinas (14), China (10), at Vietnam (6). Ayon kay Minister of Justice Keisuke Suzuki, nagpapakita na ng resulta ang plano at umaasa siyang ang pagtaas ng deportasyon na may kasamang mga opisyal ay maghihikayat ng kusang pag-alis ng mga dayuhan.

Mula Enero hanggang Agosto, umabot sa 203 ang kabuuang bilang ng mga deportasyon na may kasamang mga opisyal, kabilang ang apat na nahatulan sa mabibigat na krimen. Natukoy din ang pitong menor de edad na na-deport kasama ang kanilang mga magulang, na nagdulot ng batikos dahil umano sa paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa Immigration Agency, sinusuri nila ang bawat kaso nang hiwalay, isinasaalang-alang ang ugnayang pampamilya at mga makataong dahilan.

Source / Larawan: Sankei Shimbun

To Top