Free tuition program barred for foreign students
Simula sa fiscal year 2026, hindi na kwalipikado ang mga dayuhang estudyante at yaong naka-enroll sa mga international schools para sa libreng programa ng high school education sa Japan, ayon sa kasunduan ng Liberal Democratic Party (LDP), Nippon Ishin, at Komeito. Saklaw ng patakarang ito ang mga banyagang may “student” residence status.
Ayon sa tatlong partido, magkakaroon ng hiwalay na tulong pinansyal upang patuloy na mapalago ang mga global talents. Para naman sa mga mag-aaral sa mga international schools, ipagpapatuloy ang tulong pinansyal na katulad ng ibinibigay hanggang 2024 sa pamamagitan ng ibang sistema.
Ang mga kasalukuyang naka-enroll ay mananatiling sakop ng programa hanggang sa kanilang pagtatapos. Ipinatutupad ang pagbabago kasabay ng pagpapalawak ng programa, na mag-aalis ng income verification requirement para sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Buo rin ang bagong koalisyon sa pagitan ng LDP at Nippon Ishin matapos ang pagtatapos ng 26 na taong pakikipag-alyansa ng LDP sa Komeito.
Source: Asahi Shimbun / Larawan: Illustration


















