Parental violence linked to higher juvenile crime rates
Mas mataas ang posibilidad na masangkot sa juvenile delinquency ang mga batang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso mula sa kanilang mga magulang, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Kyoto University at iba pang institusyon bilang bahagi ng isang international research project.
Isinagawa ang survey sa mga mag-aaral mula first hanggang third grade ng elementarya sa limang paaralan sa rehiyon ng Kinki, sa kanlurang Japan, mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025.
Ipinakita ng datos na 27.4% ng mga estudyante ang nagsabing nakaranas sila ng parental violence, kabilang ang pananampal at pagtulak. Samantala, 14.2% naman ang nagsabing sila ay hinampas gamit ang mga bagay o nakaranas ng matinding pananakit. Mas mataas ang kaso sa mga low-income families, na umabot sa 41.8%, kumpara sa 26.3% sa mga pamilyang mas maayos ang kalagayang pinansyal.
Tungkol naman sa delinquency, 4.8% ng mga respondent ang umamin na nakagawa sila ng pagnanakaw o iba pang ilegal na gawain sa nakalipas na taon. Sa mga batang nakaranas ng karahasan, umabot sa 9.9% ang kaso — higit tatlong beses na mas mataas kaysa sa 2.8% sa mga batang hindi nakaranas ng pang-aabuso.
Source: Jiji Press
