Apat na kabataan ang inaresto sa Fujieda, Shizuoka, dahil sa hinalang ilegal na pagbebenta ng likidong may sangkap ng cannabis nang mahigit 2,000 beses.
Tinawag ng grupo ang kanilang sarili na “Al Capone” at gumagamit umano ng social media upang makahikayat ng mga mamimili. Magkakaibigan ang mga suspek at pinamumunuan ni Rintaro Kobayashi, 25 anyos, isang construction worker.
Ayon sa pulisya, hindi bababa sa 100 katao — karamihan ay nasa edad 20s — ang bumili ng droga mula sa grupo, na pinaniniwalaang kumita ng sampu-sampung milyong yen.
Ginagamit umano ng mga suspek ang isang pampublikong social media account upang maghanap ng mga kliyente bago ilipat ang usapan sa mas ligtas na messaging platforms. Bukod sa apat na suspek, 42 mamimili rin ang naaresto.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang pinagmulan ng droga at ang posibleng iba pang sangkot sa operasyon.
Source / Larawan: Kyodo