animals

Bear sightings in japanese cities increase

Nababahala ang mga awtoridad at eksperto sa Japan dahil sa pagdami ng mga bear sightings sa mga urban area. Sa lungsod ng Sendai, isang oso ang namataang gumagala sa loob ng bakuran ng isang residential building, na nagpalakas ng babala tungkol sa panganib ng hindi inaasahang engkuwentro sa mga mababangis na hayop.

Ayon kay Yamato Tsuji, isang espesyalista sa animal ecology, mabilis na tumaas ang bilang ng mga ganitong insidente sa nakalipas na dekada. Lumalabas umano ang mga oso mula sa kabundukan upang maghanap ng pagkain at nauuwi sa pagpasok sa mga siyudad, kadalasan habang nasa panic state.

Sa Miyagi Prefecture, isang 70-anyos na babae ang nakaligtas sa pag-atake ng oso matapos iwagayway ang dala niyang lagari habang nangunguha ng bamboo shoots. Nabalian siya ng balakang matapos madapa, ngunit nagawa niyang mapalayo ang hayop.

Nagbabala rin ang mga eksperto na ang ulan, mga ilog, at mababang visibility ay nagpapataas ng panganib ng engkuwentro dahil naaapektuhan nito ang pang-amoy at pandinig ng mga oso. Kapag nakakita ng oso, ipinapayo ng mga awtoridad na iwasan ang pagsigaw o biglaang galaw at dahan-dahang umatras nang hindi pinoprovoka ang hayop.

Source: khb

To Top