Crime

Warning shot leads to suspect’s arrest

Nagpaputok ng warning shot ang isang pulis matapos araruhin ng isang sasakyan ang isang convenience store noong madaling-araw ng Lunes (ika-20) sa Sagamihara, Kanagawa Prefecture. Tinawag ang pulisya matapos iulat ng isang empleyado na nabangga ng motorista ang tindahan at may dala itong kutsilyo sa kusina.

Pagdating ng mga pulis, natagpuan nila ang suspek na armado sa isang paradahan. Dahil tumanggi itong ibaba ang kutsilyo sa kabila ng paulit-ulit na utos ng mga awtoridad, nagpaputok ng isang bala sa ere ang isang pulis bago ito tuluyang arestuhin.

Isang 15-anyos na kostumer ang nagtamo ng magagaang sugat matapos mabangga ng sasakyan. Wala namang nasugatan dahil sa warning shot na pinaputok ng pulis.

Source: Jiji Press

To Top