Firefighters rescue 11 at Legoland
By
Posted on
Labing-isang tao ang pansamantalang na-trap sa isang attraction ng Legoland Japan sa Nagoya nitong Linggo (30) matapos hindi bumukas ang pinto. Bandang 3:40 p.m. nang makatanggap ang emergency service na 119 ng tawag tungkol sa insidente.
Nangyari ito sa Submarine Adventure, isang indoor attraction na ginagaya ang paglalakbay sa ilalim ng dagat. Kinailangang sirain ng mga bumbero ang pinto upang mailabas ang mga pasahero. Lahat ng 11 katao ay nailigtas makalipas ang humigit-kumulang 30 minuto. Walang nasugatan o nakaranas ng masamang pakiramdam. Iimbestigahan ng Legoland Japan ang sanhi ng insidente.
Source: Kyodo
