Education

Fukuoka welcomes filipino english teachers

Mag-iimbita ang lungsod ng Nakama sa Fukuoka ng anim na assistant language teachers o ALTs mula sa Pilipinas sa Abril 2027. Tig-isang guro ang itatalaga sa bawat isa sa anim na elementary school ng lungsod.

Magtuturo sila ng foreign language sa Grade 5 at 6 at magsasagawa ng English activities para sa Grade 3 at 4. Layunin din ng programa na makasama ng mga guro ang mga estudyante sa oras ng recess at iba pang aktibidad upang masanay ang mga bata sa natural at pang-araw-araw na paggamit ng English.

Nakipagkasundo ang Nakama Board of Education sa Naga City, Cebu noong Hulyo 21 para sa pagpapadala ng mga guro.

Source: Yomiuri Shimbun

To Top