Filipino teen held over robbery plot
By
Posted on
Isang 18-anyos na high school student na Pilipino ang inaresto sa Tokyo dahil sa hinalang siya ang nag-recruit ng kasabwat para sa planong pagnanakaw sa isang tindahan ng mahahalagang metal sa Shinjuku.
Ayon sa Metropolitan Police Department, inalok umano niya ng ¥500,000 ang isang 19-anyos na Pilipino upang sumali sa grupo. Noong Mayo 21, pinaghihinalaang nagmanman ang mga suspek sa paligid ng opisina habang may dalang baton at tear gas spray.
Sa kaso, 12 katao na ang naaresto. Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may iba pang taong nagbigay ng utos.
Source: TBS News Dig / Larawn: Illustrative
