News

Powerful typhoon threatens Japan

Isang malaki at napakalakas na bagyo ang inaasahang lalo pang lalakas habang papalapit sa Ogasawara Islands ng Japan mula Lunes ng gabi hanggang madaling-araw ng Martes. Nagbabala ang mga awtoridad laban sa malalakas na hangin, matataas na alon at matinding pag-ulan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, kumikilos pahilaga ang Typhoon Choi-wan at may central pressure na 935 hectopascals. Umaabot sa 162 km/h ang hangin malapit sa sentro nito, habang maaaring pumalo sa 234 km/h ang bugso.

Maaaring umabot sa 6 metro ang mga alon sa Linggo at 8 metro sa Lunes at Martes. Posible ring bumuhos ang hanggang 100 milimetro ng ulan sa loob ng 24 oras hanggang Martes ng umaga, at maaari pang tumaas ang kabuuang dami ng ulan.

SOURCE:  NHK  / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top