Flu cases surge across Gunma
Mahigit dumoble ang mga kaso ng trangkaso sa Gunma, dahilan upang maglabas ang pamahalaang panlalawigan ng pinakamaagang babala laban sa influenza sa nakalipas na sampung taon.
Sa linggong nagtapos noong ika-4, umabot sa 11.13 ang bilang ng mga pasyente sa bawat institusyong medikal, lampas sa pambansang pamantayan na 10. Mas maaga nang halos isang buwan ang babala kumpara noong nakaraang panahon.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa kanlurang bahagi ng Gunma, kabilang ang Takasaki, na may 12.87 pasyente bawat institusyon. Umabot naman sa 11.92 ang rehiyong kinabibilangan ng Maebashi. Karamihan sa mga pasyente ay may influenza type A.
Pinapayuhan ang publiko na maghugas ng kamay, magsuot ng mask at agad na magpatingin kapag may lagnat o iba pang sintomas.
SOURCE: GUNMA TV / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
