Hospital nurse filmed patients without consent
Humingi ng paumanhin ang Chiba Nishi General Hospital sa Matsudo, Chiba, matapos makumpirmang palihim na kinunan ng isang nurse ang mga pasyente at ipinost ang maikling video sa personal niyang social media account.
Makikita sa kumalat na video ang loob ng ospital at mga pasyenteng nakahiga sa kama. Nilagyan pa ito ng mapanlait na captions gaya ng “sobrang taba at sobrang baho” at “lola.” Tinanggal na ang post.
Ayon sa ospital, nalaman nito ang insidente matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang tao sa labas. Sinuspinde muna sa trabaho ang nurse habang isinasagawa ang imbestigasyon. Ipinagbabawal ang pagkuha ng video sa loob maliban kung awtorisado para sa public relations. Nangako ang ospital na hihingi ng paumanhin sa mga pasyente, palalakasin ang proteksiyon sa personal na impormasyon, at maglalabas ng hakbang upang hindi na ito maulit.
SOURCE: Sponichi Annex / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
