Nissan unleashes 350-HP hybrid pickup
Inanunsyo ng Nissan ang bagong Frontier Pro/Navara Pro, ang kauna-unahang modelo ng kumpanya na dinisenyo at ginawa sa China para i-export sa pandaigdigang merkado. Magsisimula ang bentahan nito sa Mexico sa Oktubre 2026, susundan ng Pilipinas sa Nobyembre, at iba pang merkado sa Middle East at Latin America bago matapos ang taon.
Pinagsasama ng PHEV version ang 1.5-litro turbo engine, electric motor at 20-kWh battery. Kaya nitong maglabas ng 350 horsepower at 660 Nm torque, bumiyahe nang hanggang 75 kilometro gamit lamang ang kuryente, at umabot sa halos 1,000 kilometro ang kabuuang range.
May 4WD system ang pickup, towing capacity na 3.5 tonelada at payload na 815 kilo. Kasama rin sa kagamitan ang 14.6-inch display, LED lights at mga advanced driver-assistance technology.
SOURCE / LARAWAN: AUTOMOTIVE MEDIA RESPONSE
