Japan greens shortage hits restaurants
Nahaharap sa kakulangan at mataas na presyo ng madahong gulay ang malalaking restaurant chain sa Japan. Dahil sa sunod-sunod na araw ng pag-ulan at kakulangan ng sikat ng araw noong Setyembre, naapektuhan ang paglaki ng mga pananim.
Mula Oktubre 5 hanggang 7, umabot sa ¥1,143 ang isang kilo ng lettuce—halos doble ng karaniwang presyo sa nakalipas na limang taon. Tumaas naman nang 70% ang presyo ng Chinese cabbage at 50% ang presyo ng repolyo.
Pinalitan ng Royal Host ang lettuce ng repolyo at kale sa ilang salad at side dish. Pinag-iisipan ng Mos Burger ang pagbabago sa ilang putahe, habang pinalawak ng McDonald’s Japan ang mga pinagkukunan nito at nag-aangkat din mula sa Estados Unidos, South Korea, at Malaysia. Ayon sa ministeryo ng agrikultura, maaaring magpatuloy ang kakulangan hanggang sa katapusan ng buwan.
SOURCE: YOMIURI SHIMBUN / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
