News

Firework hits student at school

Inaresto ang isang 56-anyos na kawani ng programang pangsuporta sa mga bata matapos umanong magpaputok ng kuwitis na tumama sa leeg ng isang batang mag-aaral noong Hulyo, sa Tsu, Mie Prefecture, Japan.

Ayon sa pulisya, nangyari ito noong gabi ng Hulyo 18, habang may aktibidad pagkatapos ng klase sa paaralan na dinaluhan ng humigit-kumulang 25 bata. Nasunog ang leeg ng bata at tinatayang aabutin ng dalawa hanggang tatlong buwan bago gumaling. Nalaman ang insidente matapos lumapit sa pulisya ang pamilya makalipas ang tatlong araw.

Itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing hindi niya alam kung siya ang nakapaso sa bata. Iniimbestigahan ng pulisya kung pinaputok niya ang kuwitis sa direksiyon ng bata.

SOURCE: CBC / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top