NTT Docomo investigates mobile service outage
Iniulat ng NTT Docomo Inc. nitong Huwebes na nakararanas ng abala ang mga customer sa ilang mobile service sa Japan. Wala umano itong nakitang palatandaan na cyberattack ang sanhi.
Hindi matatag mula bandang 11:18 a.m. ang voice calls, data communication at text messaging sa standalone 5G service nitong tinatawag na 5G SA. Hindi apektado ang iba pang 5G at 4G service, mga network ng ibang kumpanyang gumagamit ng network ng Docomo, at emergency calls.
Iniimbestigahan ng kompanya ang sanhi. Pinapayuhan ang mga apektadong customer na lumipat sa 4G sa network settings, pagkatapos ay i-restart ang telepono o i-on at i-off ang airplane mode.
Sa hiwalay na anunsyo, sinabi ng Docomo na sinuspinde nito ang online shop at My docomo portal matapos matukoy na posibleng nagkaroon ng hindi awtorisadong access sa mga server nito. Sinisiyasat kung may nailabas na data. Nagsimula ang suspensyon bandang 1:05 a.m.; hindi muna magamit ng mga customer ang mga serbisyo para kumuha ng mobile plan, tingnan ang bill o magbago ng kontrata.
Source: Mainichi / Larawan: Illustrative Photo
