Ang stress na siguro marahil ang pinakamahirap na pakiramdam o pinagdaraanan ng isang tao. Kapag ikaw ay nakakaranas ng stress o mental tension, hindi ka maaring makapagtrabaho ng maayos, maging masaya sa paligid ng pamilya at mga kaibigan, gawin ang mga bagay na gusto mo o kahit kumain ay halos hindi mo na magawa. Madalas mong mararamdaman ang pagiging malungkot, galit, pagkakasakit at awa sa sarili.
Hindi mo kinakailangang magliwaliw hanggang umaga sa mga party at bar. Maaari mo itong gawin kung sa tingin mong magiging masaya ka at makakaramdam ka ng pagkarelax. Ngunit dapat pakatandaan na kahit maglasing ka pa, babalik at babalik ang pagiging stress mo pagkagising mo. Ito ay distraksyon lamang upang pansamantalang maiwas ang isipan sa mga problemang hinaharap. Ang stress mananatili sa iyong katawan at pag-iisip.
Narito ang ilan sa mga stress reliever o lunas upang mawala ang stress at maging natural na masaya at mabuti sa iyong kalusugan:
Mag ehersisyo araw-araw
Ang pag eehersisyo ng madalas ay nagpapataas ng endorphins kumpara sa pangkaraniwan. Ito ay tinatawag na “feel-good” chemicals ng utak. Kung mas marami ang endrphins sa iyong katawan, mas gaganda ang pakiramdam sa iyong sarili.
Kumain ng mga pagkaing nakakabuti sa Mood
Sa mga kababaihan, carbohydrated food tulad ng pastries ay isa sa mga halimbawa nito. Ang serotonin ay ang kalmado ay relax na chemical naman sa iyong utak. Kapag stressed ang isang tao, bumababa ito. Maaaring kumain ng mga cookies o baked goods kapag ikaw ay naiistress at magiging kalmado.
Magpa-masahe
Ang pagpapamasahe o hilot ay isa sa pinaka epektibong paraan upang maiwasan ang stress at tensyon sa buong katawan. Ang aromatherapy ang pinaka magandang pamamaraan nito. Ang mga therapeutic oils tulad ng lavender at chamomile ay nakakatulong upang ibalik ang normal na isipan.
Maraming mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan ang stress at ang pakiramdam ng pagiging miserable sa buhay. Maaari kang magsaya sa mga paraan na ito na iiiwas ka sa destraksyon. Maaari kang maglaro ng sports at magdiskubre ng iba pang activities na maari mong gawin at nababagay sa iyo.