Agrikultura ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng bawat bansa sa buong mundo. Sa pagsisikap ng Pilipinas at Japan na mapabuti ang aspetong ito ng global economic growth, nagkaroon ng isang mabisa at pangmatagalang kasunduan ang Pilipinas at Japan. Ito ay ang Philippine-Japan Economic Cooperation in Agriculture. Ito ay nilagdaan at napagkasunduan ng bawat isa sa kadahilanang ang Japan ay mas mababang tariff rates percentages kumpara sa Pilipinas.
Kabilang sa mga bagay bagay na kasama sa agreement na ito ay ang kasariwaan ng mga iba’t-ibang agricultural products, direct route factors and considerations. Kasama rin ang pangkalahatang kaligtasan ng mga mamimili at ang paggamit ng mga dekalidad na Japanese seeds sa pagtatanim ng mga produkto na pansakahan upang lubusang masawata ang kagutuman sa kani-kanilang mga bansang kinabibilangan.
Samantala, ayon sa mga pag-aaral, ang mga agricultural partnerships na ito ay nagbibigay ng malawakan at agarang technical assistance upang mas lalo pang mabigyang diin ang makabuluhang pagbabago sa sektor ng agrikultura tulad halimbawa ng mga phytosanitary standards upang madagdagan ang VAT of Philippine exports sa malapit na hinaharap.
Bakit nga ba nagkaroon ng iba’t ibang agricultural partnerships? Alamin.
Bakit Kailangan ang Agricultural Partnership between Japan and the Philippines?
Lubhang kinakailang ang mga bilateral economic policies na ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Ayon sa Executive Summary ng isang pag-aaral, ang Pilipinas ay dumanas ng mabagal na paglago ng GVA sa larangang nabanggit. Gayundin naman, ang agricultural exports ay kinakitaan ng mabagal ring paglago makalipas ang panahon.
- Ang agricultural exports ng Pilipinas ay umabot lamang ng $1.79 billion in 2001.
- Japan ang pumapangalawa sa mga may pinakamalaking Philippine agricultural exports. Nag-aangkat ang Japan ng halos 80% ng saging, 98% ng pinya at 61% ng mangga sa Pilipinas.
- Ang Pilipinas ay nag-iimport ng mga sumusunod na produkto sa Japan tulad ng agriculture chemicals at ang mga sari-saring materyales.
Ilan lamang ang mga ito sa mga naitulong ng Japan sa pagpapaunlad ng Philippine agriculture.
Sa susunod na kabanata ng artikulong ito, ating tatalakayin ang mga kongkreto at maaasahang agricultural partnerships o agreements upang ang mga bansang tulad nito ay lalo pang mas maging globally competent kung pag-uusapan ang pang-agrikultural na aspetong kaugnay ng global economic development.
image source: news.irri.org