General

Aichi: 8 bagong kaso ng coronavirus kumpirmado, 1 positibo sa Mie

Isang lalaki sa Mie Prefecture na nagbalik sa Japan ang nakumpirmang positibo sa ncov.

Habang 8 bagong kaso naman ng nahawahan ng ncov ang kumpirmado sa Aichi prefecture kahapon ika-4 ng Marso. Base sa report nasa edad 30’s at 80’s ang mga ito.

Ang lalaking nahawahan ng coronavirus ay nasa edad 40’s na naninirahan sa Mie prefecture. Bumisita at namasyal umano ito sa Vietnam, Cambodia at Philippines simula noong February 16 at dumating sa Chubu International Airport kahapon March 4.

Ang lalaki ay nagkaroon raw umano ng sintomas ng tulad sa lagnat bandang February 21, at matapos dumating sa airport kahapon, dahil sa suspetsang posibleng nahawahan ito ay agad sinuri at nagpositibo naman ang resulta sa quarantine station.

Ito ang kauna-unahang kaso sa Japan na may nagpositibo sa loob ng quarantine station sa loob ng airport.

Source: FNN news

To Top