News

Aichi tops Japan in car thefts

Nanguna ang Aichi sa bilang ng mga ninakaw na sasakyan sa Japan. Hanggang katapusan ng Agosto, 325 kaso ang naitala sa prefecture—ang pinakamataas sa buong bansa.

Noong Setyembre 25, nagbigay ng babala at payo ang mga pulis ng Kariya sa mga customer ng isang Aichi Toyota dealership. Ipinakita rin nila ang mga epektibong kagamitang panlaban sa pagnanakaw at nag-alok ng libreng anti-theft screws para sa mga plaka.

Ayon sa National Police Agency, umabot sa 2,547 ang naitalang pagnanakaw ng sasakyan sa Japan sa parehong panahon.

SOURCE: TOKAI TV  / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
To Top