Accident

Bangkay na Natagpuan sa Lumubog Na Japanese Ship, Kinilala Bilang ang Kapitan

Sinabi ng Japan Coast Guard na ang bangkay na natagpuan sa isang Japanese cargo ship na lumubog noong nakaraang linggo sa Seto Inland Sea ay kinilala bilang ang nawawalang kapitan. Isa pang crewmember ang hindi pa nakikilala.

Sinabi ng mga opisyal ng Coast Guard na natagpuan ng mga rescue personnel ang bangkay nitong Lunes ng umaga sa wheelhouse ng barko, na nakahandusay sa seabed mga 57 metro pababa.

Ang 716-toneladang Seiryu ay lumubog matapos bumangga sa isa pang Japanese cargo vessel sa labas ng western prefecture ng Ehime noong Huwebes.

Tatlo sa limang tauhan ng Seiryu ang nailigtas, ngunit ang dalawa pa ay nawawala. Ang taong natagpuan nitong Lunes ay kinilala bilang ang 63 taong gulang na kapitan, si Kitai Sosuke.

Patuloy ang paghahanap ng Coast Guard sa nawawalang 24-anyos na unang opisyal.

To Top