General

Biyahe ng Tohoku Shinkansen sandaling tumigil dahil sa lakas ng hangin

Dahil sa malakas na hangin na dulot ng nabuong low pressure, pansamantalang tumigil ang Tohoku Shinkansen sa pagbabyahe sa pagitan ng Tokyo at Shin-Aomori sa parehong pataas at pababang  linya mula bandang alas-9 ng umaga sa ngayong araw March 20. Bandang 8:56 ng umaga, ang anemometer na naka-install sa pagitan ng mga istasyon ng Ninohe at Hachinohe ay umabot sa standard, kaya’t tumigil ang Tohoku Shinkansen sa pag-operate sa pagitan ng Tokyo at Shin-Aomori. Sa Lunsod ng Hachinohe, isang kakila-kilabot na hangin ang naitala, na may pinakamataas na bilis ng hangin na 43.4 metro bandang alas 9:00 ng umaga, na siyang naging numero unong obserbasyon sa kasaysayan. Bilang karagdagan, dahil may isang bagay ay naipit sa overhead line, isa rin yun sa dahilan ng naantalang byhae dahil kinakailangan itong alisin. Bilang resulta ng pagsuspinde sa pagbiyahe, ang mga inquiries mula sa mga kostumer na malapit ng sumakay ng Shinkansen sa Tokyo Station. Ang Tohoku Shinkansen ay nagpatuloy sa operasyon bandang 10:10 ng umaga.

Source: ANN News

To Top