General

Coronavirus Mutation Infection: 5 ang positibo, kauna-unahang kaso ng mutant coronavirus strain sa Japan

Kinumpirma na limang tao ang nahawahan sa bansa na may “mutant” ng coronavirus strain na laganap ngayon sa United Kingdom. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang impeksyon ng mutant ay nakumpirma sa Japan. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, lahat ng limang kumpirmadong impeksyon ay mayroong kasaysayan ng paglalakbay mula sa United Kingdom. Ang una ay isang binatilyong lalaki na nakarating sa Haneda Airport noong ika-18, at ang pangalawa ay isang lalaki na nasa edad 60 na dumating sa Haneda Airport noong ika-20. Ang tatlo pa ay isang lalaki na nasa 40, isang babae na nasa 40, at isang lalaki na wala pang 10 taong gulang na dumating sa Kansai Airport noong ika-21.

Source: ANN NEWS

To Top