General

Day Service sa Nagoya: balak itigil muna ng 1-2 linggo upang makaiwas sa NCOV infection

Hiling ng Nagoya City na pansamantalang isara muna  ang lahat ng day service facilities ng 1 hanggang 2 linggo upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng new coronavirus infection. May posibilidad umanong magkaroon ng outbreak sa Nagoya city at isa rito ay ang mga home for the aged facilities dahil umano sa kalagayan ng kalusugan ng mga matatanda.

Request ni Mayor Kawamura ng Nagoya city na lahat ng day service facilities sa Minami ward at Midori ward ay pansamantalang isasara mula March 7-20,2020 upang maiwasang mahawahan ang mga matatandang pasyente rito. Nasa 126 facilities ang target nilang ipasara na may kabuuang 5,800 na matatanda.

Source: ANN News

To Top