General

Dayaan sa mga Balota:Tunay nga ba o paninira lamang?

Dayaan sa Botohan: Ang Comelec na mismo ang nagsasabi na ang mga larawan na may isang naka-highlight na balota na viral umano sa internet ngayon ay PEKE.

Highlighted Photos

Larawan ng viral photo na syang dahilan kung bakit maraming netizens ang nagagalit sa akusasyong meron na umanong nagaganap na dayaan.

Ayon kay Atty. James Jimenez, sinabi nya na ang balota ng ipinapakita sa larawan ay maaaring lamang maging isang sample sa balota.

Ayon din sa opisyal na ahensiya ay mapapansin na ang balota ay walang anumang patunay na ito nga ay opisyal na ballot card dahil walang anumang official seal na kaloob sa mga litrato.

Ang Comelec na rin ang nagsabi na ang opisyal na balota ay ipinamamahagi lamang sa pamamagitan ng mga kasapi ng BEI.

Ang Commission on Elections (Comelec) ay nag-isyu ng isang babala at paalala tungkol sa viral photo ng balota para sa darating na halalan kung saan ang mga pangalan ng Liberal Party (LP) presidential candidate Manuel “Mar” Roxas II at vice-presidential candidate Maria Leonor “Leni” Robredo ay naka-highlight; sinasabi na ang mga litrato ay peke at hindi dapat maging sanhi ng alarma sa mga tao.

Sa isang artikulo na isinulat ni Leslie Ann Aquino sa Manila Bulletin noong Abril 11, 2016, ito ay isinawalat ng Comelec spokesperson Atty. James Jimenez na walang anumang koneksyon ang Comelec  sa pagpapalabas ng mga kaduda-dudang mga materyal para sa darating na halalan.

“Ito ay maaring mga sample na balota: gawa- gawa lang at peke. At Hindi ito nanggaling mula sa Comelec, ” pahayag ni Jimenez.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga opisyal na balota ay maaari lamang ibahagi sa pamamagitan ng mga kasapi ng Board of Election Inspectors (BEI) sa panahon at mismong araw lamang ng halalan, o sa kaso ng overseas absentee voting (OAV), inihahatid sa mga botante sa kani-kanilang mga tahanan ng hindi bababa sa isang buwan bago ang aktwal botohan.

“Ang Comelec ay hindi naglalabas ng mga sample na balota ng basta basta sa publiko para na rin sa security concerns. Ang Comelec ay naglalabas lamang ng mga balota at maaaring makakuha nito exclusively mula sa BEI (Board of Election Inspectors) lamang,  Dagdag pa ni Jimenez; na ang balota na ipinapakita sa mga larawan na kumakalat at viral sa mga social networking sites ay walang anumang patunay na ito ay opisyal at authentic.

Samantala, may ilang mga netizens din namang nakapansin ng ilang pagkakaiba sa mga kumakalat na larawan, Tulad na lang na ang party – lists section’ ay nasa gawing kanan bandang ibaba ng vice-president’ section.

Sa mga tunay na balota, ang seksyon ng mga senador’ ay dapat mauna muna bago ang listahan ng mga sectoral representatives.

Ang publiko ay binigyan ng babala at paalala upang siyasatin munang mabuti ang pagiging tunay ng anumang materyal na nai-post sa internet muna bago magbigay ng isang konklusyon o komento na maaaring maging sanhi ng isang pangkalahatang alarma sa publiko.

To Top