Entertainment

DisneyLand: “Land of Dreams” Bukas na muli sa publiko

Ang Tokyo Disneyland at DisneySea, na matatandaang nagsara simula ng magkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng hawahan ng coronavirus ay bukas na muli sa publiko matapos ang 4 na buwan. Sa muling pagbubukas ng DisneyLand at DisneySea, ang bilang ng mga pahihintulutang makapasok dito ay ibababa sa kalahati kaysa sa average na bilang noong mga nakaraan. At ang pagbili ng tiket ay meron ng schedule upang maiwasang mapuno ang parke. May mga pagbabago ding ginawa upang mapanatili ang social distancing measures upang makaiwas sa kumpulan ng mga tao.

Source: ANN News

To Top