General

Ang DOH ay Naghahanda na sa Paglaban sa Zika Virus

Ayon kay DOH Secretary Janette Garin, ang gobyerno ay naghahanda na upang matugunan ang panganib ng dulot ng Zika virus. Ito’y bilang tugon sa naiulat na kaso ng Zika na di umano’y nakuha ng isang Amerikanong babae sa ating bansa – at sa panawagan mula sa mga doktor na bigyang-pansin ang virus na ito.

 

Panawagan ni Garin sa publiko ang ang pagsasagawa ng stratehiyang 4S:

(1) pagsupil sa mga lamok at sa mga hindi dumadaloy na tubig kung saan nangingitlog at lumalaki ang mga lamok, (2) pag-protekta sa sarili sa pamamagitan ng insect repellant, pagsusuot ng mahahabang damit at pag-iwas sa mga malamok na lugar,

(3) pag-konsulta ng maaga,

(4) ang paggamit ng “fogging” o pag-spray laban sa lamok kung kinakailangan lamang.

 

zika-virus

Dagdag ni Garin ang apila sa mga Pinoy na iwasan ang pagbyahe sa mga bansa sa South America na may kompirmadong mga kaso ng Zika hangga’t maaari.

 

Source: KalusuganPH

To Top