Ang pambansang kaayusan ng isang bansa ay lubhang napakahalaga upang masukat ang political will ng isang Prime Minister kung ikaw ay nasa Japan. Kabilang sa mga kahanga-hangang plataporma ng kanilang gobyerno ay ang wastong mga pamamaraan sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.
Pagkuha ng Driver’s License in Japan
Ayon sa panuntunan, ang isang aplikante ay kailangang magtungo sa Japan Automobile Federation. Ito ay upang makakuha ng kopya ng opisyal na salin ng isang Washington State US driver’s license kung halimbawa na nanirahan ang isang tao sa Estados Unidos. Sakaling tutungo dito, maaaring dalhin na rin ang aplikasyon upang magkaron ng orihinal na lisensya.
Laging isaisip na di kailangang marunong magsalita ng wikang Hapon ang isang aplikante para sa lisensya. Ginagamit lamang ito kung may nakapaloob na mga kakaibang pangyayari. Tulad halimbawa ng pagpapalit ng pangalan mula sa luma patungo sa bagong lisensya. Ngunit ang nasabing translation process ay nagkakahalaga ng 3000 yen.
Sakaling ang dokumentong ito ay makumpleto na, ang kasunod na hakbang na dapat gawin ay bumili ng tinatawag na “Mga Alituntunin sa Kalsada” na nagkakahalaga ng 1000 yen. Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga wastong mga patakaran sa pagmamaneho ng sasakyan sa Japan.
Matapos ito, kailangang magsadya sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis. Ang sinumang kailangan ang lisensya sa lalong madaling panahon ay pipirma ng isang aplikasyon na Hapon ang pangunahing wika. Sagutan ang mga katanungan na nakasulat din sa kanilang pambansang wika. Para lubusang maintindihan ang lahat, magsama ng isang kaibigan o mahal sa buhay na bihasa sa pagsasalita at pag-unawa ng wikang nabanggit.
Mga Dokumentong Dapat Dalhin upang Magkaroon ng Japanese Driver’s License
- US Driver’s License o anumang katumbas nito sa inyong bansa
- Alien Registration Card
- Kopya ng isinalin na lisenya
- Residency Confirmation galing sa City Hall
- Pasaporte
- Maliit na litrato o larawan ng aplikante
Kasunod nito, bibigyan ng araw kung kailan ang pagsususulit sa pagmamaneho na isinasaggawa sa isang driving center. Ngunit bago ang lahat ng mga panuntunang ito, dapat valid pa rin ang iyong driver’s license sa loob ng siyamnapung araw mula sa iyong sariling bansa, bago ka pumunta sa Japan.
Sakaling nasa renewal process ang inyong home country license, kailang kumuha ng matibay na katibayan mula sa Department of Motor Vehicles sa inyong bansa na nagsasaad na wala kang driving experience sa loob ng 90 araw. Kung wala nito, kailangan mong mag-aral ng isang kurso na may kaugnayan sa lokal na pagmamaneho. Ito ay nagkakahalaga ng 250,000-300,000 yen. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang http://www.survivingnjapan.com/2010/10/how-to-get-drivers-license-in-japan.html
Ang Japanese Driver’s License napakaimportante upang ang bawat manlalakbay ay manatiling may sapat na kaalaman sa ligtas na pagmamaneho upang maiwasan ang madugong sakuna sa kalsada anumang oras.