Culture

Educational System of Japan during World War 2

educational system of Japan during World War 2

Ang bansang Japan sa panahong ang mundo ay sakdal ng lungkot bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay binigyang halaga pa rin ang edukasyon. Ito ang nagbunsod ng pagkakaroon ng kasalukuyang sistema ng edukasyon na binubuo ng mga sumusunod na kategorya: anim na taon ng elementary education, tatlong taon sa junior high school, gayun din ang senior school at apat na taon sa isang unibersidad. Kalaunan, ito ay tinaguriang 6-3-3-4 system.

Habang namamayagpag ang ekonomiya ng Japan, ang Japanese education system ay binigyang diin ang mga makabuluhang pagbabago sa aspeto ng secondary at tertiary sectors. Dito, ang pangkaraniwang pinagyayaman ay ang kaalaman at iba’t-ibang uri ng pagsasanay o skills. Samantala, ang kaledad ng edukasyon sa kolehiyo ng Japan ay mataas lalo’t higit kung ang isang mag-aaral ay nag-aral sa prestihiyosong Tokyo University.

Tokyo University

Sa Tokyo University, ang bawat mag-aaral ay kinakailangang mayroong mataas na academic credentials. Ito ay siya rin namang magiging sandata ng bawat nagtapos na mag-aaral upang makahanap ng magandang hanapbuhay tungo sa magandang kinabukasan. Subalit, ang edukasyon sa Japan ay sadyang kumplikado at mabusisi kung ito ay matimtimang susuriin.

Japanese Cram Schools

Alam ba ninyo na may tinatawag na cram schools bilang bahagi ng educational system of Japan during World War 2?  Ang kabuuang bilang ng mga paaralang ito ay humigit kumulang 51,120. Ang attendance percentage sa mga ganitong uri ng paaralan sa Japan ay higit na mas malaki sa mga urban areas ayon sa pag-aaral ng mga education experts. Sa kabilang dako, itinuturing pa rin itong popular noong panahon ng digmaan.

Darkest Realities of Japanese Schools

Maaaring wala na ngang maipipintas pa sa mga sikat na Japanese schools noong World War II. Subalit, ito ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata sa kanilang masalimuot na lipunan. Ilan sa mga suliranin rito ay ang bullying at chronic truancy o ang palagiang hindi pagpasok sa paaralan dahil sa pagkakaroon ng mga emosyonal at sikolohikal na suliranin ng isang mag-aaral.

Ang mga naturang dark sides of Japanese schools ay nagkaroon ng malaking epekto sa gawi at pag-uugali ng isang Japanese student. Sa hangaring bigyan ng kalutasan ang mga ganitong problema, kailangan ang kooperasyon ng pamilya, lokal na komunidad at mga paaralan.

Sa pagpapatuloy ng ating series tungkol sa edukasyon sa Japan, tatalakayin natin kung paano nagbago ang sistema ng edukasyon sa Japan noong post war years at pagpasok ng 20th century. Abangan.

Images from oldmagazinearticles.com and scholar.lib.vt.edu

To Top