Filipinas linked to fake marriage case
By
Posted on
Anim na tao ang inaresto sa Fukui dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga pekeng kasal sa pagitan ng mga lalaking Japanese at mga babaeng Filipino.
Ayon sa pulisya, ginamit umano ang mga rehistro ng kasal upang makakuha ng residence status at mapadali ang pagpasok at pagtatrabaho ng mga babae sa Japan. Iniimbestigahan din kung may natanggap na bayad ang mga lalaking sangkot.
Apat sa mga pinaghihinalaan ang umamin sa kanilang partisipasyon, habang dalawang lalaking pinaniniwalaang nag-ayos ng mga kasal ay itinanggi ang mga paratang.
SOURCE: FUKUI TV / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
