Crime

Filipino arrested after biting coworkers

Isang 34-anyos na Pilipino ang inaresto sa Akita noong Sabado (29) matapos umanong kagatin at sugatan ang dalawa niyang katrabaho sa dormitoryo ng kanilang kumpanya.

Ayon sa pulisya, bandang 10:20 p.m., kinagat umano ng suspek sa kanang tainga ang isang lalaking nasa edad 20s at sa kaliwang balikat naman ang isa pang katrabaho na nasa parehong edad. Parehong nagtamo ng minor injuries ang mga biktima.

Inaresto ang lalaki matapos tumugon ang mga pulis sa isang reklamo mula sa empleyado ng kumpanya. Inamin umano niya ang ginawa habang iniimbestigahan. Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang motibo sa insidente.

Source: Akita TV

To Top