Filipino intern arrested after coworker stabbing
By
Posted on
Isang 28-anyos na Pilipinong technical intern ang inaresto sa hinalang tangkang pagpatay matapos saksakin ang katrabaho sa dormitoryo ng mga empleyado sa Handa, Aichi, Japan, noong ika-24.
Ayon sa pulisya, sinaksak ni Edgar John Gruy Zombiron sa kaliwang dibdib ang kapwa Pilipinong intern, 36, habang nag-aaway sa kantina bandang tanghali. Dinala sa ospital ang biktima at hindi nanganganib ang buhay.
Nasugatan din ang suspek at nagdugo ang ulo. Inamin niya ang pananaksak ngunit itinangging may intensiyon siyang pumatay.
Pareho silang nagtatrabaho sa isang kompanyang nagbebenta ng segunda-manong piyesa ng sasakyan. Iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng alitan.
SOURCE: CHUKYO TV / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
