Culture

The Film Propaganda of Japan during World War II

Film Propaganda of Japan during World War II

 

Maraming bagay sa usaping pulitikal at pambansang suliranin ang natatakpan ng mga tinatawag na film propagandas. Karamihan sa mga ito ay panig sa isang pamahalaan at ang kadalasang tinatalakay  ay ang mga kabutihang nagawa ng kasalukuyang namamahala.

Paano naman ang film propaganda ng Japan sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Basahin ang artikulong ito upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa paksang ito.

Film Propaganda of Japan during World War II

Human Tragedy

Una sa lahat, ang mga pelikula ng Japan noong panahon ng digmaan ay sumesentro sa human tragedy. Subalit, hindi kailanman niluluwalhati nito ang Japanese military adventurism. Upang maging pantay at di makakasakit ng  kalooban at karapatan ng isang bansa, hindi  binabanggit sa mga ganitong uri ng pelikula ang  mga legal na kasapi ng mga tinatawag na Allied Forces. Sa halip, ang salitang enemy ay madalas na ginagamit noon. Ngunit ayon sa mga eksperto sa kasaysayan ng daigdig, ang maganda at makatotohanang film propaganda ng Japan ay kalimitang di tinatalakay ang may kinalaman sa iba’t-ibang sanhi ng World War II. Ayon sa mga kritiko nito, ang romantic side of the war sa pagitan nila at ng mga kanluraning bansa  ang  kadalasang binibigyang halaga ng sining na ito. Dito, ang Japan ay isang biktima at hindi isang aggressor.

Revisionist

Isinasalarawan din ang mga Japanese movies bilang isang revisionist. Ang pelikulang “The Truth about Nanjing,” ay isa lamang sa mga klasikong halimbawa nito. Sa pelikulang ito, sinasabing ang mga pinuno ng Japan ay mga martir at hindi masasama tulad ng nakatatak na sa ating kasaysayang pandaigdig.

Flashback Narrative

Sa makabagong panahon, ang film propaganda ng Japan ay  gumagamit ng tinatawag na flashback narrative. Tulad  na lang  ng pelikulang “Eternal Zero.” Ang  pelikulang ito ay ukol sa war survival tales ng dalawang magkapatid ngunit mas ninais  pa nilang mamatay bilang mga kamikaze. Ang mga kritiko ng pelikulang ito ay binansagan ito na isang shameless nationalistic propaganda sapagkat ang mga bida nito ay inihandog sa madla bilang mga taong radikal na napilitang magkaroon ng isang marangal na kamatayan.

Anuman ang naiwang marka nito sa  kasaysayan ng Japanese film making, ang  mahalaga ay ang  mga aral na nakuha  ng  mga manonood ukol dito.

Image credit: http://asianwiki.com/The_Eternal_Zero_(Japanese_Drama)

To Top