General

FUJIFILM: Nakabuo ng Fully automated PCR test reagent na makukuha ang resulta sa loob ng 75 minuto lamang

Ang FUJIFILM ay nakabuo ng isang PCR test reagent na awtomatikong magsusuri upang makita kung positibo sa bagong coronavirus ang isang sample. Ang isang pangkaraniwang  PCR test ay nangangailangan ng mano-manong pagkalap at pagkuha ng mga genes mula sa isang sample na kinuha mula sa mucous membrane ng ilong o lalamunan. Para sa kadahilanang ito, kinakailangan ang mga bihasang inspektor, ngunit ang kakulangan ng mga inspektor ay isang malaking problema sa Japan. Sa mga bagong reagents, posible na awtomatikong makita ang mga genes at matukoy ang impeksyon, maliban sa gawain ng paglalagay ng nakolekta na sample sa loob ng aparato. Bilang karagdagan, ang oras na kinakailangan para sa inspeksyon ay mas pinadali at nabawasan ng mula sa 4 na oras hanggang 6 na oras at magiging 75 minuto na lamang. Ang reagent ay ilalabas sa ika-8 ng buwang ito.

Source: ANN News

To Top