Business

Higit sa 40% ng mga Kumpanya sa Japan ang Magtataas ng mga Presyo sa Loob ng Isang Taon ayon sa Survey

Mahigit 40 porsiyento ng Japanese companies ang magtataas ng mga presyo within a year sa gitna ng tumataas na mga material cost na dulot ng pandemya ng COVID-19 at pagsalakay ng Russia sa Ukraine, ipinakita ng isang survey ng isang credit research firm.

Sa survey ng Teikoku Databank Ltd sa 1,855 na kumpanya sa Japan na isinagawa noong unang bahagi ng Abril, 43.2 porsiyento ng mga kumpanya ang nagsabing itinaas nila ang mga presyo ngayong buwan o planong gawin ito sa katapusan ng Marso sa susunod na taon.

Kapag pinagsama ang mga kumpanyang tumaas na ang mga presyo sa pagitan ng Oktubre at Marso, ang porsyento ay umabot sa 64.7 porsyento ng kabuuan, sinabi ng Teikoku Databank.

Gayunpaman, 16.4 porsyento ang nagsabi na hindi nila maipapasa ang mga higher cost sa mga customer kahit na gusto nila.

7.4 porsiyento lamang ang walang planong magtaas ng mga presyo sa loob ng isang taon.

Ang dumaraming bilang ng Japanese companies ay nagbebenta ng kanilang mga produkto sa mas mataas na presyo sa isang bansa na nakaranas ng years of deflation, dahil ang pandemya at ang patuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay naging sanhi ng pagtaas ng halaga ng lahat mula sa trigo hanggang sa krudo.

“Hindi namin maaaring patuloy na patakbuhin ang kumpanya maliban kung itataas namin ang mga presyo” dahil ang iba’t ibang mga gastos ay tumataas, sinabi ng isang food manufacturer sa Hokkaido, hilagang Japan, ayon sa survey.

Habang ang ilang mga industriya tulad ng steel, chemical goods at food manufacturing ay medyo handang magpasa ng mas mataas na gastos, ang mga nahaharap sa matinding kompetisyon sa presyo, tulad ng mga transportation company at hotel, ay nananatiling nag-aalangan, sinabi ng research firm.

“Marami kaming kalaban, kaya ang pagtaas ng presyo ay hahantong sa loss of orders,” isang transportation company na nakabase sa Nagasaki Prefecture, southwestern Japan, ay sinipi sa survey.

Ang pagbaba ng halaga ng yen ay isa pang hamon para sa mga Japanese company dahil pinapataas nito ang mga presyo ng pag-import at humahantong sa mas mataas na gastos sa produksyon.

“Parami nang parami ang mapipilitang magtaas ng mga presyo sa ngayon habang nananatiling malakas ang pressure sa mga corporate earning,” sabi ni Teikoku Databank.

To Top