Accident

Japan: Accidents involving elderly drivers rise and cause concern

Pitong taon matapos ang trahedyang aksidente sa Ikebukuro, Tokyo — kung saan napagkamalan ng isang matandang driver ang silinyador bilang preno, na ikinamatay ng dalawang tao at ikinasugat ng siyam pa — patuloy na hinaharap ng Japan ang hamon ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga driver na edad 75 pataas.

Ayon sa datos ng National Police Agency, ang “improper operation” ang sanhi ng 33% ng mga nakamamatay na aksidente sa nasabing age group noong 2025 — higit tatlong beses na mas mataas kaysa sa mas batang mga driver. Umabot sa 397 ang nasawi, katumbas ng 17.6% ng lahat ng fatal traffic accidents sa bansa.

Bilang tugon, inatasan ng pamahalaan ng Japan na ang mga bagong automatic vehicles na gagawin simula Setyembre 2028 ay dapat may anti-panic devices upang maiwasan ang aksidenteng pag-apak sa silinyador. Patuloy din ang pagdami ng boluntaryong pagsuko ng driver’s licenses: noong 2019, umabot ito sa rekord na 601,000 surrender cases. Ang mga taong edad 75 pataas ay bumubuo ng 60% ng lahat ng nagsuko ng lisensya sa nakalipas na limang taon.

Source / Larawan: Asahi Shimbun

To Top